December 23, 2024

Home BALITA National

VP Sara sa mga naging kasamahan sa DepEd: 'Mami-miss ko kayo'

VP Sara sa mga naging kasamahan sa DepEd: 'Mami-miss ko kayo'
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte nitong Linggo, Hulyo 14, ang kaniyang naging dinner kasama ang kaniyang mga naging kasamahan sa Office of the Secretary ng Department of Education (DepEd), ilang araw bago siya tuluyang bumaba sa pwesto bilang kalihim ng ahensya.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Duterte na masaya siyang nabigyan ng pagkakataong makasama sa isang salo-salo ang mga naging kasamahan niya sa DepEd sa loob ng halos dalawang taon.

“Nagpapasalamat ako sa inyong suporta sa akin at sa serbisyo ninyo para sa bayan. Alam kong minsan ay hindi na ninyo iniinda ang oras at nagtatrabaho pa kahit na lagpas na sa oras ng opisina, maihatid lamang ang serbisyong nararapat para sa publiko,” ani Duterte. 

“Mamimiss ko kayong lahat! Patuloy tayong maglingkod nang tapat para sa bayan!”

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

“Mga kababayan patuloy po tayong maging MATATAG tungo sa pagtaguyod ng isang Bansang Makabata at mga Batang Makabansa. Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa Pamilyang Pilipino,” saad pa niya.

Matatandaang noong Hunyo 19, 2024 nang ianunsyo ni Duterte ang kaniyang pagbibitiw bilang kalihim ng DepEd. 

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

Noon namang Hulyo 2, 2024 nang ihayag ng pamahalaan ang pagtalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Senador Sonny Angara sa pwesto.

MAKI-BALITA: Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong DepEd secretary

Dahil dito, inaasahang sa Hulyo 19, 2024 matatapos ang panunungkulan ni Duterte sa DepEd, kung saan dito naman magsisimula ang panunungkulan ni Angara.