Usap-usapan sa social media ang "huling dalawang linggo" ng action-drama series na "Black Rider" na pinagbibidahan ni Ruru Madrid, at katapat ng action-drama series ni Coco Martin na "FPJ's Batang Quiapo."
Umere ang nabanggit na serye noong Nobyembre 2023, at nakatakdang magtapos sa Hulyo 26.
Sa panahong iyon ay pumasok na rin sa serye ang iba't ibang social media personalities at panghuli nga, pati South Korean star.
MAKI-BALITA: Tito Mars, eeksena sa Black Rider; wish 'mabugbog' ng netizens
MAKI-BALITA: Kim Ji Soo, masasapawan si Ruru Madrid sa 'Black Rider?'
Ang rason kung bakit magtatapos na ang Black Rider ay dahil papalitan na ito ng historical drama na "Pulang Araw" na pinagbibidahan nina Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco, Sanya Lopez, at Dennis Trillo na pumapatungkol sa World War 2, sa panahon ng mga Hapon sa Pilipinas.
MAKI-BALITA: 'Tumataas balahibo ko!' Trailer ng 'Pulang Araw,' pinag-uusapan
Hindi naman maiwasang bigyan ito ng malisya lalo't pinagsasabong talaga ang Black Rider at Batang Quiapo; kesyo tinalo raw ulit ni Coco si Ruru matapos ang kanilang tapatan.
Matatandaang nagkatapatan na noon ang kanilang mga palabas, sa pagitan ng "Lolong" at "FPJ's Ang Probinsyano."
Pambabarda ng isang Facebook page na "Baylon Ngayon," "ANG HULING DALAWANG LINGGO NA PALA NG BR.
Grabe ano? Ginawa nila ang lahat, pero olats talaga. May pa-Viva Max sila, nag-ala K-Drama pa. Pero flop pa rin ang Black Rider. Isang beses pa lang nanalo ang BR versus FPJ's Batang Quiapo.Ito 'yung panahon na may PBA airing pa sa A2Z. Take note, point one (.1) lang ang inilamang sa ratings ng show ni Ruru noong February 7,2024. Umaasa rin sa replay episode ang BR para makakolekta ng numero. Pero, hindi pa rin sumasapat. Ligwak pa rin sa ratings."
"Hindi talaga nakaka-prime na sa unang slot ng primetime, e consistent flop ang Black Rider. Sa lawak nang reach nila na 111 tv stations nationwide, mas pinili pa rin ng mga manonood ang FPJ's Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Philippine TV Primetime King Coco Martin kahit ito ay napapanood lamang sa less than 40 tv stations nationwide (TV5,A2Z, at Kapamilya Channel)."
May pubmat pa ito ng larawan nina Coco at Ruru na may nakalagay na "Tanggol" at "Tanggal."
Ngunit pagtatanggol naman ng Black Rider supporters, hindi na kailangan pang patagalin ang istorya ng Black Rider hindi raw kagaya ng ginagawa sa serye ni Coco na tumatagal ng taon.
Anila, nakakasawa naman daw kung patatagalin pa ang serye hindi kagaya sa GMA na madaling natatapos ang isang palabas.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng Black Rider patungkol dito.