November 23, 2024

Home BALITA Internasyonal

Joe Biden, kinondena 'assassination attempt' kay Donald Trump

Joe Biden, kinondena 'assassination attempt' kay Donald Trump
Courtesy: (Manuel Balce Ceneta/AP; AP via MB)

Kinondena ni United States (US) President Joe Biden ang pinagsususpetsahang “assassination attempt” kay dating US President Donald Trump nitong Sabado, Hulyo 13.

Ayon sa ulat ng Associated Press, inihayag ng law enforcement officials na lumilitaw umanong target si Trump ng isang tangkang pagpatay habang nagsasalita siya sa isang rally sa Pennsylvania nitong Sabado.

Nagtamo umano si Trump ng pagdurugo sa tainga dahil sa sinabi niyang putok ng baril, at ngayon ay nasa maayos na raw na kalagayan.

Sa isa namang X post, sinabi ni Biden na masaya siyang ligtas si Trump at ipinagdarasal daw niya ito at ang lahat ng nasa rally.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“I have been briefed on the shooting at Donald Trump’s rally in Pennsylvania. 

 I’m grateful to hear that he’s safe and doing well. I’m praying for him and his family and for all those who were at the rally, as we await further information,” ani Biden.

“Jill and I are grateful to the Secret Service for getting him to safety. There’s no place for this kind of violence in America. We must unite as one nation to condemn it,” saad pa niya.

Kasalukuyan umanong iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang insidente.