December 23, 2024

Home SPORTS

Student athlete na nakayapak lang, nakasungkit ng silver medal sa Palarong Pambansa

Student athlete na nakayapak lang, nakasungkit ng silver medal sa Palarong Pambansa
Photo courtesy: Arnold Quizol/MB

Nagdulot ng paghanga at inspirasyon ang isang 13-anyos na Grade 7 student ng Matag-ob National High School sa Matag-ob, Leyte, matapos niyang makasungkit ng silver medal sa secondary girls' 3,000m competition na ginanap sa Cebu City Sports Center Track Oval, kaugnay ng Palarong Pambansa 2024, sa pamamagitan ng pagtakbo nang nakayapak lamang o walang suot na footwear.

Bukod dito, si Chrishia Mae Tajarros rin ang kauna-unahang nag-uwi ng medalya mula sa Eastern Visayas. Ayon sa panayam sa coach ni Chrishia na si Coach Darlyn Rea Azucenas, talagang sanay ang student athlete sa pagtakbo nang nakapaa lamang.

"They are used to running barefoot even when they joined the ASEAN Games in Vietnam. They feel that they run faster when they are not wearing spikes," aniya.

Ang nag-uwi ng gold medal ay si Asia Paraase ng Central Visayas at si Mary Jane Pagayon mula sa Davao Region naman ang nakapagtamo ng bronze medal.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!