August 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Rico pinost intro ng 'Kisapmata' matapos ang pagbubunyag ni Maris sa break-up

Rico pinost intro ng 'Kisapmata' matapos ang pagbubunyag ni Maris sa break-up

Usap-usapan ang tila "cryptic post" ni Rivermaya lead vocalist Rico Blanco matapos ang pag-amin ng kaniyang ex-girlfriend na si Maris Racal na hiwalay na sila.

MAKI-BALITA: Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!

Maririnig sa Instagram post ni Rico ang intro ng awiting "Kisapmata" habang tila may pa-teaser siya sa fans na may aabangan sa kaniya sa darating na Hulyo 19.

"Pov" Youre finally ready for the world to hear the track youve been working on for the last 5 months," aniya sa caption. Batay rito, mukhang may ilalabas na bagong single si Rico.

Relasyon at Hiwalayan

'It's so sad!' Mag-asawang Ogie at Regine, maghihiwalay na?

@ricoblanco100 • Instagram photos and videos

Hindi naman maiwasan ng mga netizen na maikonekta ang lyrics ng Kisapmata sa nangyaring break-up nila ni Maris.

"O kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta. Daig mo pa ang isang kisapmata," bahagi ng lyrics ng nabanggit na awitin.

Hindi naman naiwasan ng mga netizen na uriratin ang comment section ni Rico.

"Ano man pinagdadaanan nyo ngayon ni madam alam ko malalagpasan nyo to pareho. Naniniwala pa rin kaming RBMR na may forever kayong dlawa. Sana gabayan mo palage si madam idol. Wag ka bumitaw sa pagmamahalan nyo ipaglaban mo.Mahal ka ni madam."

"But why you guys broke up? "

"Rico bat po kayo nag hiwalay ni Maris?"

"Nitong umaga lang...nag announce si maris yung lovestory niyo parang KISAPMATA wag naman "

"Can't wait to hear your version of this, I'm sure it's gonna Worth the wait."

Samantala, hindi naman nag-react si Rico sa dumog ng mga tanong sa kaniya patungkol kay Maris.

MAKI-BALITA: Ugat ng hiwalayan: Maris Racal, nakakita ng bagong perspective sa buhay?

MAKI-BALITA: Anthony Jennings, walang kinalaman sa hiwalayang Rico-Maris