December 23, 2024

Home BALITA National

Kahit 'nasaktan nang husto': Alice Guo, 'di nagsisising pumasok sa politika

Kahit 'nasaktan nang husto': Alice Guo, 'di nagsisising pumasok sa politika
Courtesy: Alice Guo/FB

“I almost lost myself…”

Inamin ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nasaktan siya nang husto ng politika, ngunit hindi raw siya nagsisising pasukin ito. 

Sa isang mahabang Facebook post nitong Biyernes, Hulyo 12, nagpahayag ng pasasalamat si Guo sa lahat daw ng mga taga-Bamban na nagtiwala sa kaniya bilang kanilang alkalde.

“Most [Frequently] Asked Question..Nagsisi ka ba Alice at pumasok ka sa politika? The answer is HINDI..pero nasaktan ako [nang] husto [ng] politika I almost lost myself,” ani Guo.

National

DOH, nagbabala tungkol sa 'Holiday Heart Syndrome'

“I remember, July 12, 2021 nang sinabi ko po sa Dapdap Our Lady of Guadalupe Church, ‘Maraming salamat po sa support at maraming salamat po.’ AGAIN Today is July 12, taong 2024 nga lang.. All I want to say is maraming salamat po sa pagkakataon at tiwala na binigay nyo sa akin Ka-BAMBAN. I’m beyond grateful for the unending support despite all of these accusations,” dagdag niya.

Muli ring iginiit ni Guo na isa siyang Pilipino at mahal daw niya ang Pilipinas.

“Humihingi po ako ng paumanhin sa mga taong nadamay at pilit na idinadamay. Ako po ay nakikiusap din to stop spreading false information,” ani Guo.

“Ako po ay magdarasal na malagpasan ko po ang mga pagsubok na ito.  A big portion of my heart will always be for Bamban, for my town. Kayo po ang nagpuno ng puwang sa aking puso. Kayo po ang aking inspirasyon. Spread LOVE and peace to one and all.

“Ako po ay isang FILIPINO. At MAY MALAKING puso for BAMBAN at mahal na mahal ko ang Pilipinas Always remember Ka Bamban. Challenging but will never Give Up.. Everything is temporary! LOVE ko po kayo! God bless us all!” saad pa niya.

Ang naturang post ni Guo ay isang araw bago ilabas ng Senado ang arrest order laban sa kaniya nitong Sabado, Hulyo 13, dahil sa hindi raw niya pagdalo sa mga pagdinig ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality noong Hunyo 26, 2024 at Hulyo 10, 2024 kaugnay ng na-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban.

MAKI-BALITA: Senado, naglabas na ng arrest order vs Alice Guo

Bukod naman sa isyu ng POGO hub ay kasalukuyan ding iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kontrobersyal na identidad ni Guo.

Matatandaang kamakailan lamang ay isiniwalat ni Hontiveros na kinumpirma na ng National Bureau of Investigation (NBI) na iisa lamang si Guo at ang isang Chinese national na “Guo Hua Ping.”

MAKI-BALITA: NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros