November 23, 2024

Home SHOWBIZ Events

Good news, Swifties! Taylor Swift, ready na sa Pinas pero baka sa 2028 pa

Good news, Swifties! Taylor Swift, ready na sa Pinas pero baka sa 2028 pa

Mukhang magiging handa na raw ang Pilipinas kung sakaling magkakaroon ng "Eras Tour" sa bansa ang award-winning international singer-songwriter na si Taylor Swift.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, target ng Clark International Airport Corporation (CIAC) na magkaroon ng 35,000-seater arena sa Clark, Pampanga, na goal matapos sa 2028. 

Pahayag ni CIAC President Arrey Perez sa naganap na Build Better More (BBM) Infrastructure Forum na naganap sa New Clark City sa Tarlac nitong Biyernes, Hulyo 12, layunin daw ng arena na ma-accommodate ang mga pinakapangunahing events sa bansa, gaya ng concerts at sports event.

Ginamit nilang halimbawa ang concerts ng "Coldplay" at ni Taylor Swift na talaga namang dinaragsa ng concert goers.

Events

Rampapayag kaya? Michelle Dee hinihiritang sumali sa Miss Grand International 2025

Sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP), naghihintay na lamang umano ng proposals mula sa pribadong sektor ang CIAC para maisagawa ang planong pagpapatayo ng complex, na sasamahan pa ng convention center at mall.

“It’s a huge undertaking. It’s 40 hectares and more than P30 billion so we will really need the partnership with the private sector. We already did a lot of promotions, market sensing, market missions, and we’ve gotten some interest,” aniya.

Ang Eras Tour ni Taylor Swift ang itinuturing na "highest-grossing concert of all time" na talagang dinaragsa ng mga tao sa iba't ibang bansa. Marami sa mga Pilipino ang nagpupunta pa sa ibang bansa at gumagastos talaga para lang makanood nito at masilayan nang personal si Swift.