December 23, 2024

Home BALITA National

Sen. Bato, nalungkot sa pag-veto ni PBBM sa PNP reform bill: 'Nasayang pagod at hirap'

Sen. Bato, nalungkot sa pag-veto ni PBBM sa PNP reform bill: 'Nasayang pagod at hirap'
Courtesy: Sen. Bato dela Rosa; Pangulong Bongbong Marcos/FB

Nagpahayag ng pagkalungkot si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa naging pag-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Philippine National Police (PNP) reform bill.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Hulyo 11, inihayag ni Dela Rosa kung gaano siya naging “ka-passionate” sa Senate Bill 2249, at nakita rin daw niya kung gaano rin binigyan ng pansin ng kaniyang mga kasamahan sa Kongreso ang katumbas nitong House Bill 8327.

“With that shared vision we passed a bill that addressed the legislative gap our PNP has been forced to work with, for well over a decade,” ani Dela Rosa.

“And yet, today, it seems the final word is a refusal to acknowledge that urgency. The irony is not lost on me, and it is precisely that irony that is so disheartening.”

National

DOH, nagbabala tungkol sa 'Holiday Heart Syndrome'

Samantala, sinabi rin ng senador na tila nasayang umano ang pagod hindi lamang ng Kongreso ngunit maging ng Department of the Interior and Local Government (DILG), National Police Commission (NAPOLCOM) at Philippine National Police (PNP) sa pagbalangkas ng PNP Organizational Reform Bill. 

“Dalangin ko na hindi sila mawalan ng motibasyon para magpatuloy sa pag-alalay sa Senado, lalo na sa pagpapanukala ng mga batas na makapagpapabuti sa kalagayan ng ating kapulisan. Dahil alam natin na ang patuloy na pagsasaayos ng PNP ay malaking hakbang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating bansa. Lalo na dahil itinataguyod at ipinagmamalaki natin ang isang bagong Pilipinas,” saad ni Dela Rosa.

“Umaasa po ako na darating din ang pagkakataon na magtatagpo rin ang mga pangarap natin at ng Malakanyang para sa ating kapulisan. Lagi't lagi, handa po akong tumulong para maisakatuparan ito. Lagit lagi, makakaasa ang PNP na patuloy ang aking suporta sa kanila,” dagdag pa niya.

Matatandaang nitong Huwebes nang ihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin isa sa mga dahilan kung bakit tinanggihan ni Marcos ang Senate Bill 2249 at House Bill 8327 dahil nagbibigay-daan umano ito sa mga pagbabago sa sahod ng mga pulis na maaaring magdulot ng hindi patas na disparidad sa mga opisyal.

Hindi pa rin umano malinaw ang ilang mga bahagi ng panukala, partikular na raw hinggil sa benepisyo ng mga opisyal.