December 23, 2024

Home BALITA National

Hontiveros, nanawagang ideklara Hulyo 12 bilang 'WPS Victory Day'

Hontiveros, nanawagang ideklara Hulyo 12 bilang 'WPS Victory Day'
Courtesy: Sen. Risa Hontiveros/FB

Nanawagan si Senador Risa Hontiveros na ideklara ang Hulyo 12 kada taon bilang West Philippine Sea (WPS) Victory Day upang ipagdiwang umano ang araw kung kailan nanalo ang Pilipinas laban sa China sa Permanent Court of Arbitration.

“Ngayong araw, July 12, ipagdiriwang natin ang #WestPhilippineSea Victory Day,” pahayag ni Hontiveros nitong Biyernes, Hulyo 12, 2024.

“Walong taon na ang nakalipas mula nung nanalo ang Pilipinas laban sa Tsina sa Permanent Court of Arbitration.”

Ayon pa sa senadora, dapat ipinagdiriwang ang WPS Victory Day kada taon hindi lamang upang alalahanin ang pagkapanalo ng Pilipinas noong 2016, kundi bilang paraan din para igiit ang laban ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“We should celebrate WPS Victory Day every year, not just to remember our 2016 win, but also as a way to assert our just and rightful ownership of the WPS. This is also an opportune time to show our biggest aggressor, China, that the Philippines will stand as one in the fight for our sovereignty,” ani Hontiveros.

“Ipagdiwang natin ang WPS Victory Day para taon-taong ipagsigawan sa buong mundo: Atin ang West Philippine Sea. Atin ang Pinas!” saad pa niya.