November 22, 2024

Home BALITA National

Romualdez, nag-react sa anunsyo ni VP Sara na 'di dadalo sa SONA ni PBBM

Romualdez, nag-react sa anunsyo ni VP Sara na 'di dadalo sa SONA ni PBBM
MULA SA KALIWA. House Speaker Martin Romualdez, Vice President Sara Duterte at Pangulong Bongbong Marcos (MB file photo; Facebook)

“SONA is a crucial moment for unity…”

Nagbigay ng reaksyon si House Speaker Martin Romualdez sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi siya dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nitong Huwebes, Hulyo 11, nang ianunsyo ni Duterte na hindi siya dadalo sa SONA ni Marcos sa Hulyo 22, 2024.

MAKI-BALITA: VP Sara, hindi dadalo sa SONA ni PBBM

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Kaugnay nito, iginiit ni Romualdez sa isang pahayag na napakahalaga umano ng SONA para sa pagkakaisa ng mga lider ng bansa.

“Every public official has the prerogative to decide on their attendance at significant events. However, the State of the Nation Address (SONA) is a crucial moment for unity and collaboration among our nation's leaders. It is a time to reflect on our progress, address challenges, and outline our vision for the future,” pahayag ni Romualdez.

“Our constituents deserve to see their leaders united and focused on the collective good,” dagdag niya.

Samantala, sinabi rin ni Romualdez na kahit hindi raw dadalo ang bise presidente ay mananatili umanong tutulong ang Kamara sa lahat ng sangay ng pamahalaan kaugnay ng SONA.

“Despite the Vice President's absence, the House of Representatives remains committed to working with all branches of government to ensure that President Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr.'s SONA reflects our collective efforts to improve the lives of Filipinos,” ani Romualdez.

“Unity and collaboration will continue to guide us forward,” saad pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: Kahit sinabing 'di dadalo: Kamara, maglalaan ng upuan para kay VP Sara sa SONA