November 22, 2024

Home BALITA National

Phivolcs: 'Walang tsunami threat mula sa M6.5 na lindol sa Sultan Kudarat'

Phivolcs: 'Walang tsunami threat mula sa M6.5 na lindol sa Sultan Kudarat'
Courtesy: Phivolcs/FB

Inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas mula sa magnitude 6.5 na lindol na yumanig sa baybayin ng Sultan Kudarat ngayong Huwebes ng umaga, Hulyo 11.

Nauna nang iniulat ng Phivolcs na nangyari ang lindol bandang 10:13 ng umaga, kung saan namataan ang epicenter nito 91 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Kalamansig, Sultan Kudarat.

May lalim na 651 kilometro ang lindol.

MAKI-BALITA: Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 6.5 na lindol

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” anang Phivolcs.

“No action required,” dagdag nito.

Samantala, pinag-iingat naman ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng naturang lindol.

Hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.