January 04, 2025

Home BALITA Metro

Parokya ng St. John the Baptist, sa Taytay, Rizal, minor basilica na

Parokya ng St. John the Baptist, sa Taytay, Rizal, minor basilica na

Idineklara na bilang minor basilica ang parokya ng St. John the Baptist sa Taytay, Rizal.

Laking pasalamat naman ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa naturang solemn declaration.

Sa kanyang welcome message,  sinabi ni Santos na dapat isabuhay at ipalaganap ang pagiging mapagpakumbaba katulad ni San Juan Bautista.

Ayon kay Santos, ang pagtataas sa Parokya ng San Juan Bautista bilang basilika menor ay maituturing na biyaya at pagpapala mula sa Diyos at dapat lamang na ipalaganap sa higit pang mananampalataya upang patuloy na mag-alab ang debosyon sa pintakasi ng bayan ng Taytay.

Metro

Comelec, nanawagang huwag gamitin Traslacion sa kampanya sa politika

“We share our happiness and humbly offer it to all of you. Together, we receive God’s continuous blessings and extend to be a blessing to others. Unitedly, we express our gratitude to God for this amazing grace and proclaim His goodness, faithfulness, and love,” mensahe ni Santos.

Gayunman, sinabi ng obispo na kaakibat na hamon nito ang pananatiling mapagpakumbaba katulad ni San Juan Bautista upang higit na mailapit ang Panginoong Hesukristo sa mga tao.

Sa ganitong paraan aniya, ang basilika ang magiging daan upang lubos na makita at madama ng mga mananampalataya ang pagpapala at himalang taglay ni San Juan Bautista.

“It is now our gift to give to the Universal Church. It is a wonderful grace for us and our responsibility to show that we are like our patron saint John the Baptist who said: 'He must increase, but I must decrease” (John 3:30). That is for us to sacrifice, to serve, and to save others rather than ourselves. That we are ready to submit ourselves to God rather than surrender ourselves to power, positions and possessions,” ayon pa kay Bishop Santos.

Nagsimula ang seremonya sa pamamagitan ng civic reception kung saan sinalubong ng mga opisyal ng Taytay Municipal Government at Rizal Provincial Government si Cardinal Advincula kasama si Bishop Santos at Basilica rector Fr. Pedrito Noel Rabonza III.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco, Antipolo Bishop-Emeritus Francisco de Leon, gayundin si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines vice president, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, iba pang arsobispo at obispo ng Pilipinas, at mga pari ng Diyosesis ng Antipolo at mga karatig na diyosesis.Ang Taytay Church ang ika-23 Minor Basilica sa Pilipinas at kauna-unahan sa Diyosesis ng Antipolo at lalawigan ng Rizal.