Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa magnitude 7.1 ang lindol sa Sultan Kudarat nitong Huwebes ng umaga, Hulyo 11.
Sa pinakabagong tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 10:13 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 133 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Palimbang, Sultan Kudarat, na may lalim na 722 kilometro.
Naiulat ang Intensity IV sa Jose Abad Santos, DAVAO OCCIDENTAL, habang Intensity III sa City of Mati, DAVAO ORIENTAL; Glan, SARANGANI.
Itinaas naman sa Intensity II ang Maragusan, DAVAO DE ORO; City of Tagum, DAVAO DEL NORTE; Libungan, at Tulunan, COTABATO; Kiamba, Maitum, at Malapatan, SARANGANI; City of Koronadal, SOUTH COTABATO; CITY OF GENERAL SANTOS, at Intensity I sa CITY OF DAVAO; Tantangan, SOUTH COTABATO; Lebak, SULTAN KUDARAT.
Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - Don Marcelino, and Jose Abad Santos, DAVAO OCCIDENTAL; Glan, at Malungon, SARANGANI
Intensity II - City of Tagum, DAVAO DEL NORTE; City of Digos, DAVAO DEL SUR; Matalam, COTABATO; CITY OF COTABATO
Intensity I - Nabunturan, DAVAO DE ORO; CITY OF DAVAO; City of Kidapawan, COTABATO; Maitum, SARANGANI; T'Boli, at Tampakan, SOUTH COTABATO; Bagumbayan, Esperanza, Isulan, Kalamansig, Lambayong, at Lebak, SULTAN KUDARAT; City of Bislig, SURIGAO DEL SUR
Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Samantala, inihayag ng Phivolcs na wala namang banta ng tsunami sa Pilipinas mula sa naturang lindol.
MAKI-BALITA: Phivolcs: 'Walang tsunami threat mula sa M6.5 na lindol sa Sultan Kudarat'