"Ingat-ingat sa reaksiyon sa group chat dahil baka maging mitsa ito ng buhay."
Dead on arrival (DOA) umano ang isang kadeteng estudyante mula sa isang maritime academy sa Calamba, Laguna matapos patawan ng parusang ehersisyo dahil sa pagsagot ng thumbs up sa group chat.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News via TV Patrol, nawalan umano ng malay ang kadeteng si Vince Anihon Delos Reyes, 19-anyos, matapos isagawa ang parusang ehersisyo sa kaniya ng suspek na hindi nagustuhan ang paraan ng pagtugon sa kanilang GC. Ipinatawag daw niya ang kadete at inutusang mag-ehersisyo sa harapan ng klase.
"Apparently hindi nagustuhan ng senior class o ng third year cadet 'yong 'thumbs up’ na parang sagot ng 2nd year cadet doon sa group," saad sa panayam ni Police Lieutenant Colonel Titoy Jay Cuden, hepe ng Calamba City Police.
"According doon sa investigation, si Victim was ordered to perform series of exercises, so 'yong una is squat thrust for 100 repetitions, then 'yong pumping another hundred repetitions, then 'yong last kung saan siya nag-collapse is 'yong star jump," paliwanag pa niya.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek.