November 23, 2024

Home BALITA National

Brigada Eskwela para sa SY 2024-2025, sa Hulyo 22 na

Brigada Eskwela para sa SY 2024-2025, sa Hulyo 22 na
MB FILE PHOTO

Nakatakda nang idaos ng Department of Education (DepEd) ang taunang Brigada Eskwela para sa School Year (SY) 2024-2025 sa Hulyo 22 hanggang sa Hulyo 27, 2024.

Batay sa Memorandum No. 33-2024, na inilabas ng DepEd nitong Miyerkules, nabatid na ang tema ng naturang aktibidad ngayong taon ay “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan.”

Isasagawa naman umano ang National Brigada Eskwela Kick-off Program sa Hulyo 17, 2024 sa Carmen National High School, sa Schools Division of Office (SDO) ng Cebu Province VII, at ito ay naka-live streamed sa DepEd Philippines official Facebook page.

“Regional offices and SDOs may hold their own advocacy activities in their area to launch and campaign for Brigada Eskwela,” anang memorandum.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang Brigada Eskwela ay ang taunang school maintenance program ng DepEd upang ihanda ang mga paaralan sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.

Ang SY 2024-2025 ay nakatakda nang magbukas sa Hulyo 29.

Kasalukuyan nang nagdaraos ang DepEd ng enrollment para sa SY 2024-2025, na nagsimula noong Hulyo 3 at magtatagal hanggang sa Hulyo 26.