November 23, 2024

Home BALITA Metro

4 na construction worker, patay sa landslide sa Antipolo

4 na construction worker, patay sa landslide sa Antipolo
FILE PHOTO

Patay ang apat na construction worker habang tatlong iba pa ang sugatan nang maguhuan ng lupa sa isang landslide sa Antipolo City nitong Miyerkules ng hapon.

Hindi pa isinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga nasawing biktima na nagkakaedad lamang ng 32, 33, 37 at 56 taong gulang.

Dalawa naman sa mga sugatan ang naisugod na sa pagamutan habang tumanggi naman nang magpagamot ang isa pa. Lumilitaw sa ulat ng Antipolo City Police Station na dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang trahedya sa Fairmount Hills Subdivision, Brgy. Dela Paz.

Kasalukuyan umanong nagsasagawa ng clearing ang mga biktima sa pader na kanilang binuwag nang maganap ang landslide kaya't natabunan ng lupa at putik ang mga biktima.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

“The team tirelessly worked hand in hand and managed to rescue two people alive and was able to retrieve four casualties trapped under the soil and mud. The entire operation only lasted for two hours,” pahayag ng Antipolo City Fire Station. 

“This station would like to express our deepest sympathies to the bereaved families of the victims,” anito pa.

"Pito po 'yung natabunan, agaran po nagpunta sa site ang ating city rescue, barangay rescue at PNP na search and rescue din para po pagtulungan po," ayon naman kay Relly Bernardo, Public Information Officer ng Antipolo City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).

Sinabi pa ni Bernardo na dakong alas-6:00 ng gabi na nang matapos ang kanilang rescue at retrieval operations."

Apat po sa kanila ang code black. Code black po is patay na po, tatlo ang nabuhay. Iyong dalawa po ay agarang dinala sa pampublikong ospital ng Antipolo. Iyong isa naman po tumanggi naman po magpadala sa ospital," aniya pa.

Kinumpirma naman ni Bernardo na may kaukulang dokumento at permit ang may-ari ng bahay para sa konstruksyon, ngunit aalamin pa rin umano ng lokal na pamahalaan kung saan nagkaroon ng pagkukulang na nagresulta sa trahedya.

Nagpahayag na rin aniya ng kahandaan ang may-ari ng bahay na magbigay ng tulong sa mga biktima.