July 19, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Willie Revillame kay Gretchen Ho: 'Gusto mo tayo na lang?'

Willie Revillame kay Gretchen Ho: 'Gusto mo tayo na lang?'
Photo Courtesy: Screenshots from TV5 Philippines (YT)

Dumiga ang “Wil To Win” host na si Willie Revillame sa TV personality na si Gretchen Ho nang sumalang siya sa no-holds barred conversation na “Seryosong Usapan” kasama sina Ed Lingao, Patrick Paez at Lourd De Veyra ng TV 5.

Sa isang bahagi ng panayam, napag-usapan ang tungkol sa pag-ibig. Tinanong kasi ni Gretchen si Willie kung ayaw na ba nitong pumasok pa sa romantikong relasyon.

“Ayaw n’yo na ng relasyon?”

“Di mo masabi. Pero ngayon, okay akong ganito,” tugon ni Willie.

Relasyon at Hiwalayan

Iñigo, proud sa ex niyang si Maris matapos makipaghiwalay kay Rico

“‘Wag na rin akong mag-asawa, ‘no?” sundot ni Gretchen.

Wala naman pakundangang sinagot ng TV host ang tanong: “Gusto mo, tayo na lang, e.” 

Nagulat tuloy si Gretchen sa sinabi ni Willie. Nagtawanan naman ang kaniyang mga co-host. Biro pa nga ni Patrick: “‘Yan ang nakukuha mo ‘pag tinatanong mo ‘yong mga ganyan.”

Matatandaang sa panayam na ito rin inamin ni Willie na nawawalan na raw siya ng ganang pumasok pa sa politika dahil sa kawalan ng pagkakaisa ng mga public official.

MAKI-BALITA; Willie, nawalan ng amor pumasok sa politika dahil parang walang unity