Viral ngayon sa X (dating Twitter) ang “Pulang Araw” matapos ilabas ng GMA Network ang official trailer ng nasabing historical-drama series.
Sa 11 minutes trailer na ibinahagi ng GMA Network, matutunghayan ang mga posibleng abangan ng mga tagasubaybay pati ang mga cast of character ay ipinakilala na rin.
“Sa panahon ng pandaigdigang digmaan, sino ang makakapitan para sa kaligtasan? GMA Entertainment Group proudly presents the most important Philippine drama series of 2024,” saad sa caption ng post.
“Ito ang #PulangAraw, ang kuwento ng bawat Pilipino,” dugtong pa rito
Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang trailer. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Shuta yung mukha ni Alden habang naglilibing ng mga kapwa nya Pilipino nakakaiyak sobra Ang galing! Trailer palang to pero salamat na agad @GMADrama @gmanetwork"
"Suzette Doctolero? Kahit dati pa, isang napakahusay na manunulat.. Orihinal. Tatak Pinoy!"
"Angas!!! sinamahan pa ng Kapangyarihan song by Ben&Ben and SB19 "
"kada scene tumataas balahibo ko kudos GMA and gma Artist napakahuhusay."
"Nilamon ng buong buo ang Pamilya Sagrado trewww @KapusoBuzz"
"Ang haba gang 3 minutes lang kaya ko, bakit kasi naging shortfilm ang trailer?"
"Yung japanese accent ni Dennis Trillo nung nagtagalog sya wala ako masabi. Buffet of acting ito. Cant wait"
"yung visuals, yung actors, yung story, yung shots para sa movie perfect!
Nakasentro ang kuwento ng “Pulang Araw” sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Magsisimula itong mapanood sa GMA primetime sa darating na Hulyo 29, 8:00 pm, pagkatapos ng “24 Oras.”