July 19, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Real talk ng netizen, pinusuan: 'Hindi dahil may trabaho, may malaking savings na!'

Real talk ng netizen, pinusuan: 'Hindi dahil may trabaho, may malaking savings na!'
Photo courtesy: Freepik

Naka-relate ang mga netizen sa Facebook post ng isang nagngangalang "Camela Diana Amil Alulod-Ignas," isang blogger/digital content creator, matapos niyang ibahagi ang kaniyang insights patungkol sa pagkakaroon ng malaking savings.

Aniya, karaniwan daw misconception sa mga nagtatrabaho o kumikita na ay may malaking impok na pera o kaya naman ay maraming nabibili at masarap ang buhay.

"I am speaking on behalf of every struggling individuals. Pag may trabaho ang isang tao, iniisip agad natin na; 1. Siguro masarap buhay nito dahil madaming pera. 2. Siguro malaki na ipon nito dahil may magandang trabaho. 3. Siguro madami itong mga expensive at mga high-tech na gamit. 4. Siguro nakakain niya lahat ng cravings at naluluto lahat ng gusto niyang pagkain. 5. Siguro madali lang sa kaniya ang buhay dahil hindi naghihirap. 6. At napakadami pang SIGURO," mababasa sa kaniyang Facebook post.

Pero giit ng blogger, "But always remember na hindi lahat ng may trabaho ay may pera at may malaking ipon dahil ibat-iba tayo ng responsibility at kahit gaano pa kalaki ang sahod mo ay yun naman kadami ng bills mo."

Human-Interest

Dagat ng mga Aklat: Kuwento sa likod ng kauna-unahang book fair sa Quezon

"You also need to consider this; 1. Baka kasi yung sinasahod niya sakto lang na matustosan ang pangangailangan ng pamilya.

2. Baka meron pa siyang madaming mga loans na binabayaran kaya wala pa itong savings. 3. Baka yung mga nakita nating mamahaling gamit na naibahagi nila sa kanilang Social Media ay pinag-ipunan buwan o taon para lang mabili ito. 4.Baka nakakain niya lang yung gusto niya paminsan-minsan dahil nagtitipid siya sa buong buwan. 5. At sana isipin din natin na baka napapagod at nahihirapan na siyang kumayod sa trabaho pero nagtitiis nalang dahil kailangan."

Kaya naman, nagbigay siya ng paalala sa mga netizen, lalo na sa mga taong madalas ay "hinihiritan" ang mga taong may trabaho.

"Kaya paalala lamang sa mga taong humingi ng tulong sa mga may trabaho, naway hindi kayo magtampo kung hindi agad kayo matulungan dahil in reality yang taong akala niyo madaming pera dahil may trabaho ay pagod nadin at hirap pero pilit na lumalaban dahil yun ang kailangan."

"We are all struggling to survive in this life, the least that we can do is to spread Kindness and Goodness."

Umani naman ito ng mga reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Thank you Lord sa sapat for everyday at sa mga emergency need."

"Habang nasa baba ka pa lang, Ang dami mo Ng pinapangarap. Pero Nung nasa taas kana, Yung pangarap mo noon ay Yun din Pala Yung magiging dahilan para mapunta ka ulit sa baba."

"Mostly sa mga may work hindi nakakapag social life ksi focus sila sa trabaho, kasi pag wala ka trabaho wala karin sweldo kayaaa sa buhay mas makikita mo masaya ang buhay ng mga sinusuportahan kesa yung nagsusuporta."

"Tama, kaya huwag sana kayo magalit kapag hindi kayo napagbigyan, nailibre, o napautang. Lahat may pinagkakagastusan."

Ikaw, anong palagay mo sa insights na ito?