July 19, 2024

Home BALITA

PBBM, nag-react sa pagkikita nina FL Liza at mga anak ni Kris Aquino

PBBM, nag-react sa pagkikita nina FL Liza at mga anak ni Kris Aquino
Photo courtesy: Screenshot from ABS-CBN News/Liza Marcos (FB)

Nakapanayam ng media si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. patungkol sa pinag-usapang pagkikita ng asawang si First Lady Liza Araneta-Marcos at mga anak ni Queen of All Media Kris Aquino na sina Joshua Aquino at Bimby Aquino Yap.

Giit ng pangulo, maayos ang relasyon nila ng mga Aquino kahit magkataliwas sila pagdating sa politika. Kahit noon pang nabubuhay si dating Pangulong Noynoy Aquino ay isinasantabi nila ang mga isyung politikal at maayos naman daw ang pakikitungo nila sa isa't isa.

"Until the presidency of Noynoy (Aquino), talagang we were on the other side of political... the reasons why pinuntahan nila si First Lady ay simple lamang, nangailangan si... I think it was Kris Aquino who needed some assistance for something..."

Nang matanong kung ano ang "something" na ipinakiusap ni Kris kay FL Liza, ito raw ay tungkol sa travel assistance.

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Nabanggit din ni PBBM na may "family ties" si FL Liza sa mga anak ni Kris dahil tita nila ang Unang Ginang.

"But what the reports did not say is that Liza is their aunt. Dahil ang kaniyang auntie ay napangasawa si Don Pepe, the eldest brother of Cory. They are related..." saad pa ng pangulo.

Iginiit pa ni PBBM na maayos ang relasyon ng mga Marcos at Aquino. "Well, we've always been okay. We just don't agree politically," aniya.

MAKI-BALITA: FL Liza Marcos, flinex pagbisita sa kaniya ng mga anak ni Kris Aquino