December 22, 2024

Home BALITA National

Paghahanda ng PNP para sa SONA, malapit nang matapos

Paghahanda ng PNP para sa SONA, malapit nang matapos
MB FILE PHOTO BY Arnold Quizol

Malapit nang matapos ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa Batasan Pambansa sa Quezon City sa Hulyo 22.

Sa ulat ng Manila Bulletin, nasa final stage na ng security preparations ang PNP.

“We are almost at the final stage ng ating security preparation particularly around the Batasan Complex because inside, the security will be handled by the House Sergeant of Arms and the Presidential Security Group,” saad ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo. 

Nauna nang sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakatakda silang mag-deploy ng mahigit 22,000 kapulisan sa darating na SONA. 

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Ang mga pulis, aniya, ay madadagdagan pa ng mga tauhan mula sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Sa paligid ng Batasan Complex, sinabi ni Fajardo na nasa 5,000 hanggang 6,000 pulis ang ipapakalat.

Sakop ng deployment ng mas maraming pulis sa lugar ay ang rerouting sa mga lugar na hindi madadaanan, partikular sa mga lugar kung saan inaasahan ang presensya ng mga VIP.

Aniya, kasama rin sa security coverage ang mga magpoprotesta, lalo na ang mga hindi bibigyan ng permit.

“These are some of the anticipated scenarios that we are looking into so we are making sure that we will have good security along Commonwealth Avenue and the vicinity and all the roads leading to Commonwealth and Batasan Complex,” ani Fajardo.