July 19, 2024

Home SHOWBIZ

Nikko Natividad, Cielo Eusebio magkaka-second baby na!

Nikko Natividad, Cielo Eusebio magkaka-second baby na!
Photo Courtesy: Cielo Eusebio (IG)

Inanunsiyo ng misis ni dating Hashtag member Nikko Natividad na si Cielo Eusebio ang tungkol sa pinakamalaking blessings nila ngayong 2024.

Sa latest Instagram post ni Cielo nitong Miyerkules, Hulyo 10, nagbahagi siya ang ilang larawan kabilang  na ang pregnancy test at ultrasound ng kaniyang pagbubuntis.

“Even miracles take a little time. #babyontheway Biggest blessing for 2024” saad ni Cielo sa caption ng post.

Dagdag pa niya: “After 4 years of trying, we are feeling grateful and blessed for this miracle. We can’t wait to meet you, little one! ”

Relasyon at Hiwalayan

Iñigo, proud sa ex niyang si Maris matapos makipaghiwalay kay Rico

Nagpaabot naman ng mensahe ng pagbati ang mga netizen sa mag-asawa. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"WAAAA CONGRATULATIONS! We’re so happy for you guys! "

"Omg congrats!!!"

"Parang iisa yun writing ni Nikko and Aiden Anyway, Congrats Mommy Cielo and Nikko "

"eyyy congrats!!!"

"God is good!!!"

"Congrats emong @nikkonatividad and cielo"

Matatandaang ikinasal sina Nikko at Cielo noong Nobyembre 2021. Pero bago pa man ito ay may isa na silang anak na si Aiden.