November 23, 2024

Home BALITA

Mayor Alice Guo, pina-contempt ng Senado; arrest warrant, inihahanda na

Mayor Alice Guo, pina-contempt ng Senado; arrest warrant, inihahanda na
photos courtesy: SENATE PRIB

Pina-cite in contempt ng Senate panel si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ipinag-utos ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa kaniya matapos hindi dumalo sa Senate hearing nitong Miyerkules, Hulyo 10, kaugnay sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa kaniyang bayan.

"The chair rules to cite in contempt Alice Guo, or Guo Hua Ping, and for [the issuance of a] warrant of arrest [against her]," saad ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality chairperson Senador  Risa Hontiveros.

Agad naman ginawa ni Senador Jinggoy Estrada ang mosyon na maglabas ng arrest order laban kay Guo, na inapbrubahan ni Hontiveros.

Si Senador Win Gatchalian naman ang nag-cite in contempt kay Guo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ulat ng Manila Bulletin, kasama sa pina-cite in contempt ang mga kamag-anak ng alkalde na nakatanggap din ng mga subpoena mula sa komite.

Ito'y sina Nancy Gamo (umano'y former consultant ni Alice Guo), Dennis Cunanan (ex-Technology Resource Center chief), Lin Wen Yi (umano'y ina ni Alice), Guo Siemen (kapatid ni Alice), Guo Jian Zhong (o Angelito Guo, ama ni Alice), Shiela Guo, at Wesley Guo (mga kapatid ni Alice). 

Nilinaw ni Hontiveros na nagpadala ng excuse letter ang kampo ni Guo na hindi makadadalo ng Senate hearing ang alkalde ngunit wala raw itong kasamang medical certificate. 

“We find her claims in the letter void of credibility,” saad ng senadora. 

Nauna nang sinabi ng abogado ni Guo na hindi dadalo ang alkalde sa Senate hearing dahil sa “na-trauma” umano ito sa pagtrato ng Senado sa kaniya.

BASAHIN: https://balita.mb.com.ph/.../hindi-dadalo-sa-hearing.../

Kaugnay nito, ipinahayag ni Senate President Chiz Escudero na nakahanda siyang lumagda ng warrant of arrest laban kay Guo kapag hiningi ito ni Hontiveros.

BASAHIN: https://balita.mb.com.ph/.../sp-chiz-handang-lumagda-ng.../

Samantala, nag-isyu rin ng subpoena ang komite sa 15 katao.

1.  Jaimielyn S. Cruz 

2.  Roderick Paul B. Pujante 

3.  Juan Miguel Alpas 

4.  Katherine Cassandra Ong 

5.  Alberto Rodulfo “Ar” De La Serna 

6.  Jonathan Mendoza 

7.  Ronelyn B. Baterna 

8.  Michael Bryce B. Mascarenas 

9.  Stephanie B. Mascarenas 

10.  Rodrigo A. Banda 

11.  Jing Gu 

12.  Xiang Tan 

13.  Daniel Salcedo, Jr. 

14.  Chona A. Alejandre 

15.  Duanren Wu

Sinabi ni Gatchalian na ang kanilang desisyon na balewalain ang subpoena ng Senado ay nagpakita ng kanilang kawalan ng paggalang sa institusyon na nagbibigay sa kanila ng pagkakataong ipaliwanag o magsabi ng kanilang panig.