July 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Daniel Padilla, natsikang ikinasal sa munisipyo ng San Juan City

Daniel Padilla, natsikang ikinasal sa munisipyo ng San Juan City
Photo courtesy: Daniel Padilla, Karla Estrada (IG)

Nakakaloka raw ang tanong ng isang kakilala kay showbiz insider Ogie Diaz kung totoo bang ikinasal na sa isang non-showbiz girlfriend ang ex-boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla.

"Totoo bang ikinasal na si Daniel Padilla?" text message daw sa kaniya ng nagtatanong.

Mismong si Ogie raw ay nagulat at hindi nakapaghanda sa tanong sa urirat na ito ng kakilala kaya napa-research tuloy itong si Ogie.

Totoong nagpunta pala sa isang kasal si Daniel sa ginanap na civil wedding sa munisipyo ng San Juan City, sa pangunguna ni San Juan City Mayor Francis Zamora.

Tsika at Intriga

Andrea Brillantes, wapakels sa mga pumupuna sa braso niya

Umaga raw ng Sabado, Hulyo 6, naganap ang nabanggit na kasal.

Pero hindi si DJ ang groom kundi ang kapatid niyang si Carlito, na eventually ay inaanak sa binyag ni Ogie. Ang pinakasalan naman ni Carlito ay si Nathalia Valdivia, non-showbiz.

Si Carlito o Jose Carlito (JC) ay pangalawang anak ni Karla Estrada, na ang tatay ay si Naldy Padilla ng OPM band na Orient Pearl.

Sa katunayan, makikita rin sa Instagram post ni Karla ang pagbati niya sa mag-asawa.

"May the years ahead be filled with lasting joy,

“CONGRATULATIONS to a couple who is match made in heaven!️️️

“I love you both Nathalia & Carlito," aniya.

Malugod ding ibinalita ni Karla na magiging lola na siya. Isang baby boy ang magiging anak nina JC at misis.

"ITS A BOY!!! Wooooooohoooo!!!"

"Blessing after Blessing"

"Thank you Father GOD"

"Congratulations Nath & Jc"

"You can call me mamita "

"We love you !!!" aniya sa caption. 

So bilang paglilinaw ni Ogie, hindi pa kasal si Daniel at wala pa nga itong napababalitang bagong girlfriend matapos ang hiwalayan nila ni Kathryn.

Congrats sa mga bagong kasal!