July 19, 2024

Home SHOWBIZ

BIINI Aiah sa ‘di kayang igalang kaniyang personal space, privacy: 'I'm sorry'

BIINI Aiah sa ‘di kayang igalang kaniyang personal space, privacy: 'I'm sorry'
Photo Courtesy: Aiah Arceta (IG)

Muling naglabas ng sentimyento ang isa sa mga miyembro ng BINI na si Aiah Arceta matapos niyang ilabas ang nauna niyang pahayag hinggil sa personal space at privacy.

Sa latest X post ni Aiah nitong Lunes, Hulyo 8, humingi siya ng paumanhin sa mga tao na hindi mapakiusapang igalang ang personal space at privacy niya.“I’m sorry if asking for a little privacy feels like too much now or that I should just suck it up and deal with it but when your friends are sent to the ER, I don’t think you’ll still have enough light to smile and think that everything is okay,” saad ni Aiah.

Dagdag pa niya: “I saw how a lot of people are distressed with the statement I posted. Again, I never had any issues with taking photos and meeting with people, but it's these kinds of situations and other personal times that I think not only I need it, but anyone else does too.”

Matatandaang naglabas ng isang open letter ang social media personality na si Xian Gaza para sa kanilang BINI member na humihiling ng boundaries sa fans. 

Relasyon at Hiwalayan

Iñigo, proud sa ex niyang si Maris matapos makipaghiwalay kay Rico

MAKI-BALITA: 'Kayo ang dapat mag-adjust!' Xian Gaza, nakuha gigil ng Blooms

Tila hindi naman ito nagustuhan ng ilang netizens lalo na ang fans ng nasabing P-pop girl group dahil kahit public figure umano ang BINI ay may karapatan silang magkaroon ng personal space at privacy.