July 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Xian Gaza, BINI rin? BINI-libid

Xian Gaza, BINI rin? BINI-libid
Christian Albert Gaza/FB

Ipinangalandakan ng social media personality na si Xian Gaza na isa rin siyang BINI pero... BINI-libid.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Hulyo 9, ipinost niya ang picture niya kung saan nasa loob siya ng kulungan. Sa caption naman ay binanggit niya isa-isa ang miyembro ng all-female Pinoy pop group na "BINI" at sa huling parte ay "bini_libid."

Xian Gaza, BINI rin? BINI-libid
SCREENSHOT: Christian Albert Gaza/FB

Nitong Lunes lang, nag-trending sa X si Gaza matapos ang kaniyang open letter para sa BINI.

Tungkol ang open letter sa mga napababalitang masyado nang nasisira at na-iinvade ang privacy at personal space ng mga miyembro nito dahil kahit saan sila magpunta ay dinudumog talaga sila para lang makapagpa-picture.

Tsika at Intriga

Iyah Mina, nag-react sa isyu ng pagtawag ng 'sir' sa transgender customer

Para kay Xian, sila raw mismo ang dapat mag-adjust since pinili raw nilang maging celebrity, at ngayon ay unti-unti na nga nilang natatamasa ang kasikatan.

BASAHIN: 'Kayo ang dapat mag-adjust!' Xian Gaza, nakuha gigil ng Blooms

Matatandaang nakulong si Gaza noong 2018 nang sumuko umano siya sa Malabon Police dahil sa umano'y investment scam, na naging dahilan din kung bakit siya binansagang "scammer."

Sa kaniyang Facebook post no'ng 2022, binalikan niya ang pangyayaring iyon. 

"Nag-issue ako ng 11 post-dated checks tapos walang pondo kaya tumalbog lahat. That's it. Ganun lang kababaw. It's not even a crime sa abroad. Inexaggerate lang talaga sa social media," sey niya.

Aniya, apat na araw matapos mag-viral ang kaniyang coffee date billboard para kay Erich Gonzales, nakilala umano siya bilang scammer sa Pilipinas dahil sa apat na tao. Kabilang dito ang nanay ng artistang si Ella Cruz.

BASAHIN: Xian Gaza, inalala ang pagsuko niya noon sa pulis dahil sa umano'y investment scam