December 23, 2024

Home BALITA

UP Diliman, nagbabala sa publiko matapos insidente ng pananaksak sa unibersidad

UP Diliman, nagbabala sa publiko matapos insidente ng pananaksak sa unibersidad
Courtesy: University of the Philippines via MB

Nanawagan ang University of the Philippines Diliman (UPD) sa publiko na patuloy na mag-ingat matapos ang nangyaring insidente ng pananaksak sa National Science Complex ng unibersidad nitong Lunes ng gabi, Hulyo 8.

Sa isang Facebook post nito ring Lunes ng gabi, inihayag ng UPD na nakatanggap ang kanilang pulisya ng ulat tungkol sa naturang stabbing incident dakong 8:00 ng gabi.

Agad naman umanong naidala sa ospital ang biktima, habang inaaksyunan na raw ng Quezon City Police District ang kaso.

Kaugnay nito, inihayag ng UPD na patuloy silang magtatalaga ng mas marami pang security personnel sa iba’t ibang mga bahagi ng campus.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Everyone is reminded to stay vigilant and report anything suspicious to the authorities. The UPD administration will continue deploying more security personnel in different areas of the campus,” anang UPD.

“In case of emergency or if assistance is needed, please contact the UPD Public Safety and Security Office at 0917-597-1984 or the UPD Police at 8981-8500 local 113,” dagdag nito.