July 19, 2024

Home FEATURES Katatawanan

'Tumabi-tabi ka nga ate!' Patalastas ng isang bakery, pinakaba ang netizens

'Tumabi-tabi ka nga ate!' Patalastas ng isang bakery, pinakaba ang netizens
Photo Courtesy: Screenshots from Lola Nena's (FB)

Tila kinabahan ang mga netizen sa patalastas na inilabas ng isang bakery sa kanilang official Facebook page kamakailan.

Sa Facebook reels kasi na ibinahagi ng Lola Nena’s nitong Lunes, Hulyo 8, makikita ang kanilang empleyadong inilalako ang old fashioned donut habang sa likod niya ay unti-unting umaatras ang kotse.

Pero laking gulat ng mga netizen nang matuklasang ginamitan lang pala ng special effects ang naturang video at wala naman talaga ang empleyado sa mismong lugar kung saan umaatras ang sasakyan.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga nakakaaliw na komento:

Katatawanan

Wish na bumalik si ‘Kuya Rico’ sinupalpal: ‘Sumunod ka na lang!’

"Alam nyo ba na legit ang kaba kesa initin ang old fashioned donut? Tumabi tabi ka nga Ateng!"

"Ayusin nyo naman Lola Nena. Lugi sa nerbiyos sa inyo eh "

"Muntik ko na maforward yung video sa Visor "

"Sobrang galing niyo, Lola Nena’s saludo sa mga brains behind your contents "

"MAY KOTSE SA LIKOD NYO INGAT PO "

"Naku na report ko as self-injury.."

"Mini heart attack! "

"Ate napasigaw ako! Tumahimik ka!"

"Bwahaahahahah! Natakot ako kay Ate oo na bibili na po bukas "

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 113k reactions, 54k shares, at 13 milyong views ang naturang video.