(Mula kaliwa): Si Ricky Reyes (ika-7 mula sa kanan), SM Supermalls’ Vice President of Corporate Marketing Grace Magno (ika-7 mula sa kaliwa), Metro Manila Mayors’ Spouses Foundation, Inc. (MMMSFI) President at San Juan First Lady Keri Zamora (ika-6 mula sa kanan), MMMSFI Treasurer at Valenzuela First Lady Tiffany Gatchalian (ika-5 mula sa kanan), kasama ang mga hurado mula sa Asia Pacific Hairdressers & Cosmetologists Association.
Ang style, kagandahan, at wellness ang bumida sa Ricky Reyes' Hair & Makeup Trends 2024 Grand Finals noong Hunyo 26 sa SM Mall of Asia Music Hall.
Si Ricky Reyes (gitna, harap) kasama si SM Supermalls’ Executive Vice President Jonjon San Agustin, at ang mga nanalo sa Hair & Makeup Trends 2024 Grand Finals.
Ang Hair & Makeup Trends 2024 – Health and Beauty Caravan ni Ricky Reyes ay idinisenyo upang magtaguyod at suportahan ang komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga propesyonal at mahilig sa kagandahan na magpakitang-gilas. Ang mga kalahok mula sa buong bansa ay sumabak sa pagkakataong ipakita ang kanilang talento at pagkamalikhain sa mga kategoryang tulad ng Unisex Hair Styling Category, Rebond Plus Category, Bridal Makeup Category, at ang bagong Ganda Ng Lola Category, kung saan ipinapakita ng mga senior citizens ang pinaka-glamorous na mga itsura.
Ang mga modelo ng mga kalahok sa Rebond Plus Competition ay ipinapakitang gilas ang kanilang buhok para sa judging sa Hair & Makeup Trends 2024 Grand Finals.
Isang hurado mula sa Asia Pacific Hairdressers & Cosmetologists Association ang nag-evaluate ng mga kalahok sa Unisex Hair Styling Category.
Ang mga hurado para sa Grand Finals ngayong taon ay kinabibilangan ng mga nangungunang stylists at makeup artists mula sa buong mundo, tulad nina Sun Heang (Cambodia), Wong Kwok Ah (China), Theresa Tam (Thailand), Edward Wong (Singapore), at Fatou N'doye (Australia).
Ang modelo ng Unisex Hair Styling Competition Champion na si Patrick Gammad ay nakasuot ng Avatar-inspired look.
Ang isa sa mga finalist ng Unisex Hair Styling Competition ay nagpapakita ng look na walang katulad.
Ang modelo ng Rebond Plus Champion na si Regi Cruz.
Ang modelo ng Bridal Makeup Category champion na si Darlyn Fuentebella.
Ang isang finalist sa Bridal Makeup Category ay nagsho-showcase ng modernong bridal beauty.
Sa Ganda ng Lola Category, ang makeup artist na si Bhenj Brugada at ang 60-taong-gulang na si Cathy Masada (nasa photo) ay nanalo bilang Champion dahil sa konseptong Cruella de Vil mula sa nobelang, The Hundred and One Dalmatians.
Ang isang finalist sa Ganda ng Lola Category ang nagpapatunay na ang edad ay numero lamang.
Ganda ng Lola Champion na si Bhenj Brugada (ika-3 mula sa kaliwa), first runner-up na si Angelo Talastas (ika-2 mula sa kanan), at second runner-up na si Mark Jason Aranto (pinaka-kaliwa).
Ang Hair & Makeup Trends 2024 ni Ricky Reyes ay naging simbolo ng suporta at growth para sa mga propesyonal at mahilig sa kagandahan, at ang grand finals sa SM Mall of Asia ay ang krusyal na bahagi ng ilang buwang pagsisikap, pagkamalikhain, at passion. Ito ay naging posible sa pamamagitan ng SM Store Mall of Asia, Modern Shang, Watsons Philippines, Kultura, Chinabank, Bioreach, Ashley Shine, Hair Treats, at iFace (BYS Cosmetics).
Ang mga hurado ng Hair & Makeup Trends 2024 Grand Finals ay nag-e-enjoy ng masarap na pagkain sa Modern Shang.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa SM Supermalls, sundan kami sa social media @SMSupermalls o bisitahin ang www.smsupermalls.com.