December 23, 2024

Home BALITA

Pututoy ni mister, pinutol ni misis dahil binanggit pangalan ng 'kabet' habang nagsisiping

Pututoy ni mister, pinutol ni misis dahil binanggit pangalan ng 'kabet' habang nagsisiping
Photo Courtesy: Freepik

Tila hindi na napigilan pa ng isang misis sa Baguio City ang matinding selos na naramdaman matapos umanong sambitin ng mister niya ang pinaghihinalaang kabit nito.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Hulyo 9, nagtalik umano ang suspek at ang mister nito pagkatapos nilang mag-inuman. Sa gitna ng kanilang bakbakan sa kama nabanggit ng asawa nito ang umano’y pangalan ng kabit. 

“Buti pa ‘yong isa ganito, na-mimiss ko na ‘yong isa, sabi niya," kuwento ng ginang.

Dagdag pa niya: “Hanggang sa pagtulog namin, maglalaro kami, tapos yung babae ang binabanggit niya.”

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Kaya nagpasya na raw siyang putulin ang ari ng mister niya.Nagtangka pa siyang tumakas sa bahay nila pero bumalik din naman at sumama sa mga pulis.

Bukod kasi sa pangangaliwa, lagi rin daw siyang binubugbog ng asawa. Sa katunayan, minsan na niya itong sinampahan ng kaso pero binawi rin naman agad.

Inamin naman ng suspek ang nagawang kasalanan at ipinaliwanag na ipinaglalaban lang ang karapatan niya bilang babae. Sa kasalukyan, nasa kustodiya na siya ng Baguio City Police Station 9 at mahaharap sa kasong mutilation. Samantala, nagpapagaling naman ang mister niyan pagkatapos ikabit ang naputol na air.