July 19, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Petisyon na gawing International Shrine ang Padre Pio Shrine, suportado ng CBCP

Petisyon na gawing International Shrine ang Padre Pio Shrine, suportado ng CBCP
Photo from the Parish and National Shrine of Saint Padre Pio via CBCP News

Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang isang petisyon na naglalayong gawing international shrine ang National Shrine of Saint Padre Pio na matatagpuan sa Sto. Tomas, Batangas.

Ayon sa CBCP News, inaprubahan ng CBCP nitong weekend para i-endorso ang hangarin ng simbahang parokya na kilalanin sila bilang international shrine.

“We have approved to endorse the application of the National Shrine of Padre Pio into an international shrine,” saad ni CBCP President Bishop Pablo Virgilio David, nitong Lunes, Hulyo 8. 

Bukod sa CBCP, sinabi ni Archbishop Gilbert Garcera ng Lipa, Batangas, na bukod sa pag-endorso ng CBCP, ang simbahan ay nakakuha ng suporta mula sa ilang mga pinuno ng mga episcopal conference sa buong Asya upang maging isang international shrine.

Human-Interest

Dagat ng mga Aklat: Kuwento sa likod ng kauna-unahang book fair sa Quezon

“We are really convinced there is a need for Rome to recognize it is an international shrine because of the strong devotion to Santo Padre Pio,” saad ni Garcera.

Kung sakaling maaprubahan ng Vatican, ito na ang pangalawang international shrine sa Pilipinas, kasunod ng International Shrine of Our Peace and Good Voyage na matatagpuan sa Antipolo City.