November 22, 2024

Home FEATURES

NASA, ibinahagi larawan ng auroras sa atmospera ng Jupiter

NASA, ibinahagi larawan ng auroras sa atmospera ng Jupiter
Courtesy: NASA, @EuropeanSpaceAgency, and J. Nichols (University of Leicester) via NASA IG

“Vivid auroras in Jupiter’s atmosphere…”

Nagbahagi ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng kamangha-manghang larawan ng auroras sa atmospera ng planetang Jupiter.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng NASA na walong taon na ang nakalilipas nang maobserbahan ng kanilang Hubble Space Telescope ang naturang stunning light sa Jupiter.

Ginamit daw ng mga astronomer ang “ultraviolet capabilities” ng Hubble para mapitikan ang larawan noong Hunyo 30, 2016.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Auroras are created when high-energy particles enter a planet’s atmosphere near its magnetic poles and collide with atoms of gas,” anang NASA.

Dagdag pa ng NASA, nang makuhanan nila ang naturang larawan ay nasa solar wind naman malapit sa Jupiter ang kanilang Juno spacecraft, kung saan naglalakbay raw ito papasok sa orbit ng giant planet noong Hulyo 4, 2016.

“While Hubble observed and measured the auroras on Jupiter, Juno measured the properties of the solar wind itself: a perfect collaboration between a telescope and a space probe,” saad pa nito.