January 09, 2025

Home BALITA Metro

Makasaysayang Marikina Shoe Museum, binisita nina FL Liza at dating FL Imelda Marcos

Makasaysayang Marikina Shoe Museum, binisita nina FL Liza at dating FL Imelda Marcos

Binisita nina First Lady Liza Araneta-Marcos at dating First Lady Imelda Marcos ang makasaysayang Marikina Shoe Museum, kung saan matatagpuan ang pamosong koleksiyon ng mga sapatos ng dating Unang Ginang.

Nabatid na ang naturang shoe museum, na siyang nag-iingat ng tinatayang aabot sa 800 pares ng sapatos na koleksiyon ng dating Unang Ginang, ay sumailalim na ilang upgrades sa ilalim ng superbisyon ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro. 

Layunin ng rehabilitasyon na mapahusay ang magiging karanasan ng mga taong bumibisita doon at matiyak na napapangalagaan ang mga valuable artifacts para na rin sa mga susunod na henerasyon.

Mismong si Marikina First District Representative Marjorie Ann “Maan” Teodoro naman ang sumalubong kina First Lady Liza at dating First Lady Imelda nang magtungo sa Marikina Shoe Museum nitong Lunes.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Si Cong. Maan na rin ang nagsilbing guide ng magbiyenan sa ginawang paglilibot sa loob ng newly rehabilitated museum.

Ayon kay Mayor Marcy, mahalagang mapreserba ang mga cultural landmarks, gaya ng Marikina Shoe Museum. 

“This museum is not just a repository of footwear; it is a testament to the artistry and craftsmanship of the Filipino people," anang alkalde. "It stands as a symbol of our rich history and our continuing journey as a nation."

Aniya pa, “The Marikina Shoe Museum is a cornerstone of our community. Through these renovations, we aim to provide a more immersive and educational experience for all visitors, showcasing the pride and craftsmanship of Marikina's shoemakers."

Si dating First Lady Imelda Marcos ay kilala sa kanyang malawak na koleksiyon ng mga sapatos.