December 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

'Jesus is real', huling naisulat ng isang anak bago malagutan ng hininga

'Jesus is real', huling naisulat ng isang anak bago malagutan ng hininga
Courtesy: Joel Sia/FB

Ibinahagi ng isang ama ang nakaaantig na tagpo kung saan bago tuluyang pumanaw ng kaniyang 23-anyos na anak ay naisulat nito sa huling pagkakataon ang katagang: “Jesus is real.”

Sa isang Facebook post ni Joel Sia, 53, mula sa Cebu City, ibinahagi niyang bago ma-resuscitate ang kaniyang anak na si “Jonathan,” sumi-signal ito na parang may ibang nakikita.

Dahil hindi naman niya ito maintindihan, inabot ni Sia ang isang papel at ballpen upang dito isulat ni Jonathan ang kaniyang gustong sabihin, hanggang sa nagulat daw siyang malinaw na “Jesus is real” ang naisulat nito bago tuluyang malagutan ng hininga.

“Before my son Jonathan was resuscitated, he signalled to me as if he is seeing someone.. but I can't understand him. So I gave him a paper and a pen to write down what he wants to tell me.. but I couldn't read his writing. He is so weak already and shaking and can't hold the pen properly,” kuwento ni Sia sa kaniyang post.

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan

“But before the nurses called code blue.. he was able to write this Jesus is real.. and it amazed me because it is so clearly readable,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Sia na naniniwala siyang nakita ng kaniyang anak si Hesus, dahil nakita raw ng kaniyang asawa ang napakaliwanag na ilaw at ang isang kamay na humahawak sa kanilang anak.

“I believe he saw Jesus coz Aidy my wife seen a bright light.. and a hand holding my son ascending.. and he was smiling,” aniya.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Sia na impeksyon ang nakita ng mga doktor na dahilan ng pagkamatay ni Jonathan.

"Infection, but the doctors doesn't know what kind and where," saad ni Sia.

"We were praying for miracles because this is God's chance to show that He still works in miracles just like what He did to me when i got an accident. But God answered our prayers differently.. and we trust that He knows better. He knows what's best for us," dagdag pa niya.

Marami naman ang nagpaabot ng pakikiramay kina Sia, at habang isinusulat ito’y umabot na sa 33,000 shares ang nasabing post.

BASAHIN: 23-anyos na nakapagsulat ng 'Jesus is real' bago pumanaw, lumaking maka-Diyos