September 23, 2024

Home BALITA National

FL Liza Marcos, flinex pagbisita sa kaniya ng mga anak ni Kris Aquino

FL Liza Marcos, flinex pagbisita sa kaniya ng mga anak ni Kris Aquino
Courtesy: First Lady Liza Araneta-Marcos/FB

Ibinahagi ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang naging pagbisita sa kaniya ng mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby nitong Martes, Hulyo 9.

Sa kaniyang Facebook post, makikita ang masayang larawan ni FL Liza kung saan napagitnaan siya ng mga kapwa-nakangiti rin na sina Bimby at Josh.

“Thank you Bimby and Josh for dropping by. It was so nice to see you guys after all these years,” aniya sa kaniyang post. 

Hindi naman binanggit ng Unang Ginang ang dahilan ng pagbisita ng magkapatid.

National

Mark Andrew Yulo, inimbitahan ni Sen. Bong Go sa PBA game

Si FL Liza ang asawa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kaugnay nito, matatandaang kilala ang mga Marcos at Aquino na may hindi magandang ugnayan pagdating sa politika mula pa noong panunungkulan ng ama ni PBBM na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Sa panahon ng Martial Law nakulong ang ama ni Kris na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, at saka pinaslang sa pagbabalik nito sa bansa mula Estados Unidos.

Nang mapatalsik naman sa pwesto ni Marcos Sr., pinalitan siya ng asawa ni Ninoy at ina ni Kris na si dating Pangulong Cory Aquino.