November 22, 2024

Home FEATURES Human-Interest

23-anyos na nakapagsulat ng 'Jesus is real' bago pumanaw, lumaking maka-Diyos

23-anyos na nakapagsulat ng 'Jesus is real' bago pumanaw, lumaking maka-Diyos
Courtesy: Unsplash; Joel Sia

Lumaking may malalim na pananampalataya sa Diyos ang 23-anyos na lalaking nakapagsulat ng katagang “Jesus is real” bago tuluyang malagutan ng hininga, ayon mismo sa kaniyang ama sa eksklusibong panayam ng Balita.

Ayon sa amang si Joel Sia, 53, mula sa Cebu City, si Jonathan ay ikatlo sa apat niyang mga anak.

“He was raised in a Christian family who serve God thru Sunday school, teaching children about the Bible,” kuwento ni Sia.

Walong taon pa lamang daw si Jonathan ay alam na niya kung paano magdasal para sa mga may sakit. Naging miyembro naman siya ng isang Christian Youth group noong tumuntong siya sa high school.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Nang magkolehiyo, naging youth leader siya sa isang local church kung saan tinuturuan niya ang mga bata ng Bibliya.

Bukod sa pangangaral ng salita ng Diyos ay isa ring masugid na estudyante si Jonathan. Nagtapos siya ng kursong Marketing Management bilang Magna Cum Laude. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na siya nakadalo sa graduation ceremony at nakatungtong sa entablado dahil nasa ospital na siya nang mga panahong iyon.

Kuwento ni Sia, nagsimulang makaramdam ng lagnat at LBM si Jonathan noong buwan ng Mayo.

“He was finishing his thesis last May, and maybe because of stress and lack of sleep, he got on and off fever and LBM,” ani Sia.

“So we had him checked. And the I.M doctor gave him an antibiotic and some lab test, thinking it might be typhoid fever,” dagdag niya.

Noon lamang naman daw Hunyo 21 nang i-admit na si Jonathan sa ospital matapos siyang mag-collapse pagkatapos kumain ng agahan.

Sa kabila ng iniindang sakit, maging sa ospital ay ipinakita at ibinahagi pa rin ni Jonathan ang kaniyang kabutihan at pananampalataya sa Diyos.

“He was sharing it with the nurses and doctors. He would say, like: ‘Doctor, you have a greater purpose',” saad ni Sia.

Nito lamang Hulyo nang pumanaw si Jonathan. Bago raw siya ma-resuscitate, sumi-signal siya ito na parang may ibang nakikita.

Hindi naman daw ito maintindihan ni Sia kaya't inabot niya ang isang papel at ballpen upang dito isulat ni Jonathan ang kaniyang gustong sabihin, hanggang sa nagulat daw siyang malinaw na “Jesus is real” ang naisulat nito bago tuluyang malagutan ng hininga.

Sinabi rin ni Sia na impeksyon ang nakita ng mga doktor na dahilan ng pagkamatay ni Jonathan.

"Infection, but the doctors don't know what kind and where," aniya.

"We were praying for miracles because this is God's chance to show that He still works in miracles just like what He did to me when I got in an accident. But God answered our prayers differently.. and we trust that He knows better. He knows what's best for us," saad pa ni Sia.

BASAHIN: 'Jesus is real', huling naisulat ng isang anak bago malagutan ng hininga