“Hindi naman ako mawawala…”
Nagbigay ng mensahe si dating Vice President Leni Robredo sa kaniyang mga tagasuporta na nalungkot dahil hindi siya tatakbo bilang senador sa 2025 midterm elections.
Matatandaang noong Hunyo 21, 2024 nang kumpirmahin ni Robredo na hindi siya tatakbo bilang senador sa 2025, sa gitna ng pagkumbinsi sa kaniya ng Liberal Party (LP) na tumakbo sa naturang posisyon.
MAKI-BALITA: Ex-VP Leni, hindi tatakbo bilang senador sa susunod na eleksyon
Sa isa namang panayam ng “Zoom In” ng NewsWatch Plus PH nitong Sabado, Hulyo 6, ipinaliwanag ni Robredo na pagiging alkalde ng Naga ang tatakbuhan niya sa susunod na eleksyon dahil sa tingin niya, dito raw mas aligned ang kaniyang “skill sets.”
MAKI-BALITA: Robredo, ipinaliwanag dahilan ng hindi niya pagtakbo bilang senador sa 2025
Kaugnay nito, sinabi ng dating bise presidente sa mga “Kakampink” o kaniyang mga taga-suporta na ipagpapatuloy raw niya ang laban sa ibang aspeto.
“So I’ve been explaining this to supporters who are quite disappointed that I’m not running for the Senate. Sinasabi ko hindi naman ako mawawala,” ani Robredo.
“Nandito ako supporting the cause pero in a different capacity. I don’t think na iniwan ko ‘yung laban just because I’m not running for the Senate,” dagdag niya.
Si Robredo ang nagsilbing bise presidente ng bansa mula 2016 hanggang 2022. Tumakbo naman siya bilang pangulo noong 2022 national elections, kung saan nagsimulang tawagin ang kanilang mga tagasuporta bilang “Kakampink.”