November 22, 2024

Home BALITA Eleksyon

Robredo, ipinaliwanag dahilan ng hindi niya pagtakbo bilang senador sa 2025

Robredo, ipinaliwanag dahilan ng hindi niya pagtakbo bilang senador sa 2025
Dating Vice President Leni Robredo (MB file photo)

Ipinaliwanag ni dating Vice President Leni Robredo kung bakit pagiging alkalde ng Naga ang tatakbuhan niya sa 2025 midterm elections at hindi sa national position o sa pagka-senador.

Sa isang panayam ng “Zoom In” ng NewsWatch Plus PH nitong Sabado, Hulyo 6, sinabi ni Robredo na pagiging alkalde ng Naga ang tatakbuhan niya dahil sa tingin niya ay dito raw mas aligned ang kaniyang “skill sets.”

“For now, I have decided to run for the mayorship of Naga. Tingin ko mas aligned ‘yung skill sets ko doon. Mahirap na ipilit to run for something na parang hindi aligned sa capacities ko just to hold a national position,” ani Robredo.

“So I’ve been explaining this to supporters who are quite disappointed that I’m not running for the Senate. Sinasabi ko hindi naman ako mawawala. Nandito ako supporting the cause pero in a different capacity. I don’t think na iniwan ko ‘yung laban just because I’m not running for the Senate,” dagdag niya.

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

Sinabi rin ni Robredo na marami siyang planong ipakita bilang alkalde ng Naga City.

“Halimbawa, if I become mayor of Naga, marami akong pwedeng i-showcase na–para ipakita sa mga tao na this can be done, this is possible, to start programs that are replicable in other areas. So mas excited ako about this,” saad ni Robredo.

Si Robredo ang nagsilbing bise presidente ng bansa mula 2016 hanggang 2022. Tumakbo naman siya bilang pangulo noong 2022 national elections, kung saan tinawag ang kanilang mga tagasuporta bilang “Kakampink.”