November 24, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Netizen na bet kasuhan utol na di tumupad sa usapan ng pagpapaaral, sinupalpal

Netizen na bet kasuhan utol na di tumupad sa usapan ng pagpapaaral, sinupalpal
Photo courtesy: Freepik/Relationship Matters Ph (FB)

Umani ng diskusyon sa mga netizen ang isang post mula sa isang anonymous member ng social media page na "Relationship Matters Ph" matapos idulog sa komunidad ang kaniyang pinoproblema patungkol sa kapatid na nangakong pag-aaralin ang anak niya o pamangkin nito sa kolehiyo, subalit nang magkagalit sila, ay tila buma-back out na.

Tanong niya sa mga netizen ay kung puwede raw ba niyang kasuhan ang kapatid na hindi tumupad sa pangako?

"Nagsabi sya dati na papagaralin nya ang anak ko ng college. Pero ngayon binawi nya."

"Ofw kasi sya at may pera naman, kami hirap na hirap sa buhay. Kaya ansaya namin nung pinangako nya na papaaralin nya panganay ko sa college."

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

"Kaso nag-away kami last year. Tapos nung pinaalala ko na ang pag-aaral ng anak ko next year kasi magcollege na, aba di nako siniseen."

"Nung tinawagan ko nagdahilan na na kesyo mahirap na daw pera ngayon."

"May laban ba ko dito?"

Sa isa pang screenshot ay ipinakita naman ang kabaligtarang "mindset" ng isang anonymous member na hindi pinaasa sa kapatid ang pagpapaaral sa mga anak nila kahit na single ito at may kakayahan naman. 

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens, na karamihan ay panunupalpal sa anonymous member.

"I'm a Single Mom pero cnbhan q anak ko na wag na wag manghihingi Ng pera o tulong sa Tito at tita Nia. Dahil responsibilidad at obligasyon ko cia bilang ina Nia. Wag niang iasa sa iba Ang mga pangangailangan Nia. Masasanay Ang bata na maging palaasa sa iba."

"Magkakaso wala ka nga pampaaral."

"Gagastos ka sa pagkakaso sa kapatid mo, pero ung pag papaaral sa anak mo di mo gastusan. Anak mo yan, ikaw ang dapat mag paaral o gumastos para sa anak mo. Wag mo iasa sa kapatid mo, di nmn kasali ang kapatid mo sa pag gawa ng anak nyo."

"Sa tingin mo may amor pa kapatid mo para tulungan siya kung nag-away kayo?"

"Aba'y matindi rin ito?"

"Hindi masama humingi ng tulong kung kinakailangan. Pero ung iasa mo reponsibilidad mo sa ibang tao o kapatid, un ang masama. At nakakahiya kung may hiya ka."

"Ang kapal!"

"Magsikap ka wag mong i-asa sa ibang tao ang pagpapaaral mo sa iyong anak it's your full responsibility para bigyan ng magandang kinabukasan ang anak mo."

"The saddest part is that your own family are feeling entitled on your own hard earned money."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na 18k laugh reactions, 6.2k shares, at 2k comments ang nabanggit na viral post.

Ikaw, anong palagay mo tungkol dito?

--- 

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.