December 23, 2024

Home BALITA National

Matapos sabihang 'Marites,' 'nabubuang na': Binay, naghain ng ethics complaint vs Cayetano

Matapos sabihang 'Marites,' 'nabubuang na': Binay, naghain ng ethics complaint vs Cayetano
Senador Nancy Binay at Senador Alan Peter Cayetano (Courtesy: Senate/FB)

Naghain ng ethics complaint si Senador Nancy Binay laban kay Senador Alan Peter Cayetano nitong Lunes, Hulyo 8.

Sa kaniyang reklamo, sinabi ni Binay na ang naging aksyon ni Cayetano sa pagdinig ay lumabag sa “Rules of the Senate, The Revised Penal Code, the Civil Code of the Philippines, the Code of Professional Responsibility and Accountability, The Magna Carta of Women, the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, at Civil Service regulations.

“Based on the foregoing, I most earnestly pray that, after hearing and appropriate proceedings, the Honorable Chairperson and the Members of the Senate Committee on Ethics and Privileges hold respondent SENATOR ALAN PETER S. CAYETANO accountable and liable for all of his unparliamentary conduct which are in violation of the Rules of the Senate, The Revised Penal Code, the Civil Code of the Philippines, the Code of Professional Responsibility and Accountability, The Magna Carta of Women, the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, and Civil Service regulations, and, corollary to this, that the appropriate sanctions and penalties be imposed upon him, commensurate to the gravity of his offenses,” anang senadora sa kaniyang complaint.

Ang naturang reklamo ni Binay ay kaugnay ng nangyaring bangayan nila ni Cayetano sa pagdinig ng Senate Committee on Accounts noong Miyerkules, Hulyo 3, hinggil sa bagong Senate building.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Matatandaang nag-walk out ang senadora sa naturang pagdinig at sinabihan naman siya ni Cayetano ng “nabubuang na.”

MAKI-BALITA: Binay, nag-walk out nang makainitan si Cayetano sa Senate hearing

MAKI-BALITA: Cayetano sa pag-walk out ni Binay: 'Nabuang ka na, Day! Senado 'to, hindi palengke!'