Nadamay umano sa kinasuhan ng estafa ang isang babaeng niyaya lang umano na makipag-date sa isang bar.
Naunang naiulat ng Balita ang tungkol sa kasama nitong lalaki na inaresto matapos umanong takasan ang mahigit ₱80,000 na bill sa isang bar sa Sampaloc, Maynila, kung saan ginanap ang kaniyang despedida.
Sa ulat ng ABS-CBN News, ibinahagi ni PMaj. Philip Ines ng Manila Police District na nagpunta ang dalawa sa bar at iba pa nilang kasamahan.
Pinasara raw ng na suspek, alyas 'Adrian,' ang bar para magpa-despedida bago sumampa umano ng barko para magtrabaho bilang seaman.
Hindi raw nagbayad si Adrian sa bar at agad silang dinala sa Sampaloc Police Station.
BASAHIN: Lalaking nagpa-despedida, tinakasan higit ₱80K bill sa bar, timbog!
Bagaman hindi pinangalanan ang babae, iginiit nito na niyaya lang siya ng suspek na makipag-date sa naturang bar.
Mahaharap sila sa reklamong estafa. Bukod dito, mahaharap din ang lalaki sa reklamong physical injuries dahil sa pananakit umano sa waiter.
BASAHIN: Lalaking nagpa-despedida, tinakasan higit ₱80K bill sa bar, timbog!
BASAHIN: Lalaking nagpa-despedida, tinakasan higit ₱80K bill sa bar, timbog!