May 25, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Resbak ng inuutangan matapos sabihang mayabang, winner sa netizens

Resbak ng inuutangan matapos sabihang mayabang, winner sa netizens
Photo courtesy: Arianne Cerillo (FB)

Naranasan mo na bang utangan at nang hindi mo pagbigyan, ikaw pa ang sinabihang mayabang at pinagalitan? Nakaka-stress 'di ba?

Kaya naman bentang-benta sa mga netizen ang ibinahaging screenshot ng isang nagngangalang "Arianne" tungkol sa kung paano binara ng inuutangan ang kakilalang umuutang sa kaniya, matapos mag-react sa kaniyang flinex na grocery sa My Day.

Batay sa screenshot, nag-react ang umuutang sa inuutungan dahil sa My Day nito.

"Yabang pwe!"

Human-Interest

'Sailor Moon' ng Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!

"pero pag inutangan wala laging pera," saad ng umuutang.

Ang siste, umuutang daw siya ng 2,000 piso para pambili ng diaper at gatas ng anak niya subalit hindi raw siya mapagbigyan.

"may pang yabang Pero walang pampa utang pwe!" sabi pa nito.

Sumunod na mababasa ay ang reply ng inuutangan na "Teh di ko naman responsibilidad yang anak mo."

"maaga ka kasing nag pa iyot."

Ang tugon naman sa kaniya nito ay thumbs up.

"Sabi kasing wag ibuka ang flowers eh namulaklak tuloy," giit naman ni Arianne sa kaniyang caption.

"sorry sis hindi ako pwede makielam sa pag subok ng Diyos na binigay sayo e."

"Di naman ako kasama sa pag buo nyo nan" aniya pa.

Nagbigay naman ng reaksiyon at komento ang mga netizen.

"Hindi nya responsibilidad yang pang diaper ng anak mo at gatas. Bago mo sana binuka yang flowers mo inisip mo sana yang mga gastusin na yan. Hindi mayabang yang kaibigan mo na Hindi mo mautangan. Inggit ka lang sa kanya."

"I remember so many people hahaha..."

"Bakit kasama ka ba nung ginawa anak nila? Nagpasarap sarap silang dalawa tapos nung andyan na yung hirap kasali ka na. Mindset ba mindset."

"Hahaha yung iba nga nakikielam pa sa pagkain kain namin sa labas at pag gala eh wala naman ambag sa buhay namin."

"feeling kasama sa budget ng pamilya ah hahahahahahha."

Tila marami naman ang naka-relate sa post matapos itong pumalo sa 28k laugh reacts, 3.1k shares, at 757 comments habang isinusulat ang artikulong ito.