June 08, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Rason kung bakit halos laging absent si Anne Curtis sa It’s Showtime, buking

Rason kung bakit halos laging absent si Anne Curtis sa It’s Showtime, buking
Photo courtesy: Screenshot from It's Showtime (ABS-CBN Entertainment/YouTube channel)

Muling nagbabalik sa It's Showtime ang "Dyosa" na si Anne Curtis matapos ang halos matagal na pagkawala sa nabanggit na noontime show.

Marami tuloy ang na-excite kay Anne dahil marami ang naka-miss sa kaniya at pakikipagkulitan niya sa co-hosts. Isa pa sa mga inaabangan sa kaniya ay kapag may "bulol moments" siya sa pagbigkas ng kaniyang spiels na nasa Tagalog o Filipino.

Biniro tuloy siya ng co-host at kaibigang si Vhong Navarro na baka sa susunod na linggo ay wala na naman siya.

Dito ay sinabi ni Anne na kaya nawawala siya sa show ay dahil kuma-comeback na nga siya sa aktingan ulit.

Pelikula

2 pang grupo, pinalagan Senate bill ni Sen. Robin sa mandato ng MTRCB

Busy-busyhan pala ang lola n'yo sa kaniyang dalawang acting projects: isang pelikula at isang teleserye. Nauna nang na-announce na siya ang gaganap na bida sa Philippine adaptation ng patok na South Korean drama na "It's Okay To Not Be Okay" kasama sina Joshua Garcia na may pelikula sa ex-jowang si Julia Barretto, at si Carlo Aquino na kakakasal lang kay Charlie Dizon.

MAKI-BALITA: Di pa man nagsisimula: Anne Curtis, Joshua Garcia wala raw chemistry?

Sumasabak din siya sa physical training dahil action movie ang ginagawa niya kay Direk Erik Matti, matapos ang matagumpay nilang "BuyBust" noong 2018. Reunion project na nila ito. 

Ang busy ni Anne kahit isa siyang asawa at ina sa kaniyang sariling pamilya. Bongga!