July 19, 2024

Home BALITA National

PBBM sa naging laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA OQT: 'It was a great fight'

PBBM sa naging laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA OQT: 'It was a great fight'
(Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB; MB file photo)

Nagbigay ng mensahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa koponan ng Gilas Pilipinas matapos ang naging laban nito sa FIBA ​​Olympic Qualifying Tournament.

Matatandaang nitong Sabado, Hulyo 6, nang matalo ang Gilas Pilipinas sa koponan ng Brazil sa semifinals ng FIBA Olympic sa Latvia sa score na 71-60.

Dahil dito, hindi na makakasama ang koponan ng bansa sa Paris Olympics.

Sa isa namang X post nito ring Sabado ng gabi, sinabi ni Marcos na proud siya at ang mga Pilipino sa naging laban ng Gilas.

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

“It was a great fight, Gilas Pilipinas! You have made us Filipinos proud and made history!” anang pangulo.

“We will always stand behind you in support. Bida ang bayaning manlalaro! #GilasPilipinas #ProudPinoy,” saad pa niya.