Trending sa X ang pangalan ng yumaong matinee idol na si Rico Yan dahil sa panawagan ng mga netizen na "patahimikin" na ang kaluluwa nito.

Ilang "Gen Z" social media influencers kasi ang nagpapahayag na "patay na patay" sila sa kaguwapuhan ng pumanaw na aktor, na sadly ay hindi na nila naabutan.
Nagkakasya na lamang sila sa pagsipat-sipat at panonood sa charisma ng aktor batay sa mga kumakalat na clips nito.
Kumakalat pa nga ang isang TikTok video kung saan makikita ang isang lalaking content creator na dumalaw sa libingan ng aktor, niyakap ang puntod nito, at hinalik-halikan pa ang malaking portrait.
"hoy mga weirdo makapunta kayo sa puntod parang kamag-anak niyo lang yan sha," mababasa sa caption ng isang Facebook user na nagbahagi nito.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa X:
"Puta di ko na kinakaya ang henerasyon na 'to! Nasaan na yung mga Patay na patay sa Patay. Patahimikin niyo si Rico Yan! "
"ako lang ba nac-cringe sa mga puro rico yan??? like gets ko naman pero yung iba ang OA na talaga. tumigil nga kayo T__T"
"bakit naglalabasan mga pics at video ni rico yan? weird magsimp nung iba. patahimikin niyo na yung tao pls"
"Hindi ko kinakaya yung mga kabataan na nagpupunta sa puntod ni Rico Yan for the clout sa tiktok nila? TAPOS NIYAYAKAP AT NAKIKIPAG-USAP KUNO? Halaaaaaa Anong nangyayari? HAHAHAHAHAHHAHAAH"
"sobra na sa pag-simp kay Rico Yan ANONG GINAGAWA MO SA PUNTOD NYA!?!!? SORRY PERO KAHIT NA BUMANGON PA SIYA MULA SA CASKET, ANONG GAGAWIN MO DON EH BUTO-BUTO NA LANG YON? BULALO??? tigil nyo na yan pls
Si Rico ay nasawi noong Marso 29, 2002 dahil sa hemorrhagic pancreatitis habang nagbabakasyon sa Dos Palmas resort sa Palawan, sa paggunita ng Holy Week.
Kamakailan lamang ay binasag na ni Optimum Star Claudine Barretto ang kaniyang katahimikan tungkol sa isyung siya ang dahilan kung bakit ikinamatay raw ni Rico ang sama ng loob sa kaniya matapos daw ang kanilang hiwalayan.