May 29, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco
Photo Courtesy: Melai Francisco (IG)

Nagsalita na si “Pinoy Big Brother” host Melai Francisco kaugnay sa isyu ng panloloko umano sa kaniya ng mister niyang si Jason Francisco.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Sabado, Hulyo 6, inusisa niya si Melai kung totoo nga ba talaga ang naturang isyu.

“‘Yong nagloko siya [Jason], totoo ba ‘yon?” 

"Hindi, Miss Bernadette,” mabilis na sagot ni Melai. “‘Yan ang problema sa online [....] Hindi kami nagre-react. Pinagtatawanan lang namin. “

Relasyon at Hiwalayan

H2wo, hinikayat ang publiko na iligtas ang ex-jowang si Mika sa PBB

“Hindi mo talaga maiwasan dahil hindi naman nila alam. So gagawa sila ng—kasi gwapo naman si Jason iisipin nila: “nagloko ‘to kasi si Melai, pangit,’” aniya.

Dagdag pa ng PBB host: “Si Jayson, very swerte ko sa asawa ko. Hindi ‘yan babaero. ‘Pag walang ginagawa ‘yan, walang trabaho ‘yan, sa bahay lang ‘yan. Ako pa ang palalabas.”

Gayunman, nilinaw ni Melai na maaaring magbago ang lahat. Maaaring dumating ang panahon na magloko si Jason. Pero sa ngayon, masasabi niyang the best ang mister niya.

Kaya ang hiling ni Melai, gabayan sana si Jason ng Panginoon para iiwas ito sa anomang uri ng tukso.