May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Melai, binalak mamasukan kina Paul Jake kung hindi nag-showbiz

Melai, binalak mamasukan kina Paul Jake kung hindi nag-showbiz
Photo Courtesy: Paul Jake Castillo (FB), Screenshot from Bernadette Sembrano (YT)

Ibinahagi ni “Pinoy Big Brother” host Melai Cantiveros ang kaniyang plan B noon kung sakaling na-evict siya sa Bahay ni Kuya pagkatapos ng isang linggo.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Sabado, Hulyo 6, napag-usapan ang tungkol sa pagsali niya noon sa PBB Double Up edition noong 2009.

 “Hindi ko talaga gustong sumikat, Miss B. Ang pagsali ko sa PBB is para siyang aksidente lang ba,” saad niya.

“So, parang feeling naman ako dito sa pagmumukha ko. Alam ko kasi sa mukha ko na hindi talaga ako pang-artista. Ang mga barkada ko: feeling ka naman…sumali ka feeling mo matanggap ka,” wika niya.

Dagdag pa niya: “Pinasali lang ako para katatawanan. E, napasubo naman. So, nando’n na. [...] Aside from that, baka may makuha kayong pera.”

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Bukod dito, ibinahagi rin ni Melai ang tila plan B niya kung sakali mang ma-evict agad siya sa bahay ni Kuya pagkatapos ng isang linggo.

“‘Yong kaibigan ko do’n si Paul Jake [Castillo], ‘yong mayaman naming housemate. Bisaya rin. Para paglabas ko, sa kaniya ako magtatrabaho,” aniya.

Matatandaang si Melai ang itinanghal na big winner sa PBB Double Up edition noong 2009. Pero bukod pa sa tagumpay na ito, dito rin niya nakilala ang asawang si Jayson Francisco na kapuwa niya housemate.

MAKI-BALITA: Melai, prangkang sinagot ang isyung scripted ang PBB