May 14, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

JoshLia, may ginawa ulit together matapos ang break-up

JoshLia, may ginawa ulit together matapos ang break-up
Photo courtesy: via Tempo

Talagang "nagkabalikan" na talaga ang mag-ex na sina Joshua Garcia at Julia Barretto o "JoshLia," pero hindi bilang magkarelasyon kundi bilang magkatambal para sa kanilang pelikulang "Un/Happy For You."

Ito ang comeback project ng dalawa matapos ang kanilang paghihiwalay bilang reel at real couple, matapos ang pinag-usapang music video ng kantang "Paubaya" ni Moira Dela Torre.

Kinakiligan naman ng mga netizen ang isang kumakalat na video na kuha mula sa isang mall show ng dalawa kung saan makikitang kumanta ulit sila nang magkasama para sa promotion ng pelikula.

Makikita ito sa facebook page na "Viral na, Trending Pa" na mula naman sa "joshliasquad."

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Makikitang naghawak pa sila ng kamay bagay na talagang nagpadagundong sa puso ng kanilang fans.

"Wow! Kakanta na ulit tayo together," maririnig na sabi ni Joshua.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Kinikilig pdin talaga ako sa dalwang to, sila ung mag-Ex na walang samaan ng Loob napaka professional Love it "

"Sila ung mag ex na, pero good friends pa din on & off cam. No hard feelings still kaya p din to work in a project together apaka professional haisst!!! Pero ganun tlga."

"Sana ganito lahat Ng ex nu .ditulad Ng iBang mag ex akala mo di naging Masaya dati."

"I hope ito na ang simula ng pagiging open-minded ng mga loveteam fans sa Pilipinas. It can actually help the artists grow professionally and be themselves. I love Joshlia but I respect Julia's personal life and choices, as well as Joshua's. #JoshLia"

Well, alam naman ng lahat na ang jowa ni Julia ay si Kapamilya actor Gerald Anderson, at si Joshua naman ay si French athlete Emilienne Vigier.