May 09, 2026

Home BALITA National

ITCZ, easterlies, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

ITCZ, easterlies, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
Courtesy: PAGASA/FB

Inaasahang magdudulot ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies sa ilang bahagi ng bansa ngayong Linggo, Hulyo 7, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang MIMAROPA, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula dahil sa ITCZ.

Maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms din ang inaasahang mararanasan sa Bicol Region, Aurora, at Quezon dulot naman ng easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahang makararanas ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng Luzon dahil sa easterlies, at maging ang mga natitirang bahagi ng bansa dahil naman sa ITCZ. 

National

VP Sara supporters, dumagsa sa Davao City para sa 'Inday Sara Duterte 2028 Movement' rally

Posible rin ang mga pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).