May 15, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

Direk Joel Lamangan, binansagang bagong Primetime Queen

Direk Joel Lamangan, binansagang bagong Primetime Queen
Photo courtesy: via PEP/We Are Millenials (FB)/Screenshot from Dreamscape Entertainment via ABS-CBN News

Revelation daw para sa marami ang acting prowess ng kilalang direktor na si Joel Lamangan, na kinaaaliwan bilang "Roda" sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Siya kasi ang nambabarda ngayon sa "kabet" ni Rigor (John Estrada) na si "Lena" played by Mercedes Cabral, na isa naman sa mga kinabubuwisitan sa serye.

Epektibo raw ang arte ni Direk Joel na tila natural na natural lamang at nagdudulot ng saya kahit mabigat ang mga eksena.

Kaya biro ng mga netizen, siya raw ang dapat tanghaling bagong "Primetime Queen" sabi sa Facebook page na "We Are Millennials."

"Ang bagong Primetime Queen!" caption nila

Teleserye

Ivana, windang sa halik ni Joshua: 'Grabe kang sumipsip!’

May 48k reactions, 1.8k shares, at 2.6k comments naman ito.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

" love direct joel kakainins na nkakatuwa now kakampi na cya ni Marites "

"Ang galing nya comedy at kontra bida"

"I love u direct..ikaw lang jnaabangan q sa ang batang quiapo..."

"Eto yng nagdadala Ng Batang quiapo tlga."

"Nakuha na ni Roda mag simpatya ng manonood dati galit sakniya now kinatutuwaan na siya."

"Love you direk...Isa ka sa reason bkit sinusubaybayan ko Ang batang quiapo."

Well, para sa mga hindi nakakaalam, bago pa maging direktor sa pelikula ay isa munang artista si Direk Joel. Sa katunayan, kabilang siya sa cast ng iconic movie ni Superstar Nora Aunor na "Himala." Aktibo rin siya noon sa pagganap at pagdidirehe sa teatro. 

Pero mas nakilala si Direk Joel bilang direktor sa pelikula. Ilan sa mga naidirehe niyang pelikula ay  "The Flor Contemplacion Story," "Sidhi," "Deathrow," "Hubog," "Aishte Imasu 1941," "Blue Moon,"  "Mano Po," "Oras De Peligro," at iba pa.